Thursday, January 20, 2011

Dinilawang Kanduli

Ito ang Diniliwang Kanduli o isdang Kanduli na niluto sa luyang dilaw. Masarap pang ulam o pampulutan. Nalalasahan mo ang linamnam ng laman ng kanduli, na may bahagyang asim at anghang mula sa mga sangkap na inihalo dito.

Mga Sangkap:
isdang kanduli
luyang dilaw (alisan ng balat at dikdikin)
siling haba (hiwain ng manipis)
usbong ng alagaw (hiwain ng pino)(pwede wala nito, baka kasi wala sa inyong lugar)
paminta (buo)
kamatis (hiwain ng maliliit)
sibuyas (hiwain)
bawang (dikdikin at alisin yung balat)
suka
mantika
asin
vetsin
tubig


Paraan ng Pagluluto:
1. Linisin ang isdang kanduli, putulin sa dalawa (depende sa laki ng mabibiling isdang kanduli).
2. Maglagay ng mantika sa kawali, kapag mainit na ang mantika ay ilagay ang bawang, sibuyas, kamatis, sili, luyang dilaw at paminta. Haluin at hintaying maluto ang kamatis. Ilagay ang kanduli at gisahin sandali. Lagyan isang tasang tubig, takipan at hintaying kumulo. Kapag kumukulo na, lagyan ng 3 kutsarang suka, asin at vetsin at muling takipan. Hayaang kumulo sa ng dalawang minuto bago bahagyang haluin para hindi mahilaw ang suka. Tikman ayon sa inyong panimpla sa alat. Hanguin na sa kalan kapag luto na ang isda upang hindi masobrahan sa pagkakaluto.


Pagkatapos nito ay handa na ang masarap Dinilawang Kanduli, pwede ng ihain.

1 comment: